Kelot ‘naglaro’ sa harap ng 5 babae nakalaboso

ARESTADO ang isang mangingisda matapos ireklamo ito ng limang nabastusang kababaihan sa ginawa nitong paglalaro ng kanyang sariling “batutoy” sa harap ng mga nila Sabado ng umaga sa Barangay Tangos, Navotas City.

Ang suspek, na kasalukuyang nakapiit sa detention cell ng Navotas City Police, ay nahaharap sa kasong grave scandal at theft ay nakilalang si Ruben de Leon, 27, miyembro ng Sigue-Sigue Sputnik Gang at residente ng B Cruz St., Barangay Tangos ng nasabing lungsod.

Ang nagsampa ng pormal na kaso laban sa suspek ay kinilalang sina Samanthina, 19, Gladys, 15, Patricia, 12, at magkapatid na Julie Ann, 14, Katrina, 19, na pawing nakatira sa nabanggit na lugar.

Base sa impormasyon mula kay  P02 Guiama Ibrahim, desk officer ng Station Investigation Division ng Navotas City Police, ganap na alas-siyete Sabado ng umaga ay nakatambay ang mga biktima sa B Cruz St . nang dumating ang suspek.

Sa pagkakataong ito ay bigla umanong inilabas ang ng suspek ang kanyang ari at nilaru-laro sa harapan ng limang babae.

Nagtakbuhan ang mga biktima at agad na humingi ng tulong sa mga nagpapatrulyang barangay tanod, na umaresto sa suspek at dinala ito sa presinto ng pulis.

Dumating sa nasabing presinto ang OFW na si Jennifer Bulawan, 32, upang magpa-blotter kaugnay ng pagkanakaw ng kanyang cell phone.

Namataan niya ang suspek at positibo itong kinilala na siyang kumuha ng kanyang cell phone. Roger Panizal

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply