Kelot ginilitan sa leeg bago itinapon sa tapat ng FEU

HALOS humiwalay ang ulo sa katawan ng isang lalaki makaraang gilitan bago iwanan sa tapat ng kilalang unibersidad sa Sampaloc, Maynila.

Inilarawan ni P/Insp. Armand Macaraeg, hepe ng Masnila Police District-Homicide Section ang biktima na nasa edad 30 hanggang 35, may taas na 5’4, nakasuot ng light blue T-shirt at gray na short pants.

Sa report ni SPO2 Virgo Villareal, dakong 5:00 ng madaling-araw kanina, Marso 17 nang matagpuan ang biktima sa kahabaan ng Lerma St., tapat ng Far Eastern University (FEU).

Isang hindi nagpakilalang ginang ang nakakita sa biktima sa tabi ng basurahan habang naglalakad sa lugar.

Agad naman niyang ipinagbigay alam sa opisyal ng barangay ang insidente na sila namang nag-report sa MPD Police Station 4.

Hinala ng pulisya na posibleng biktima ng salvage ang lalaki.

Patuloy naman sa imbestigasyon ang pulsiya hinggil sa krimen. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply