Kelot itinumba sa Cainta

TADTAD ng bala at wala nang buhay nang matagpuan ng awtoridad ang isang lalaki na hinalang biktima ng salvage sa Cainta, kagabi, Marso 29.
Ang hindi pa nakikilang biktima ay natagpuan alas-11:30 ng gabi sa Lot 5, Block 1, Willow St., Greenwood Subdivision, Barangay San Juan, nasabing bayan.

Ayon sa testigo na si Nila San Juan, gumagawa siya ng school assignment nang makarinig ng tatlong putok ng baril.

Makalipas ang ilang sandali ay sinundan pa ito ng hindi na mabilang na putok kung kaya agad niyang itinawag sa security guard ng subdivision na siya namang tumawag sa pulisya.

Ayon sa pulisya wala silang nakuhang mapagkakilanlan sa biktima maliban sa tatlong cellphone sa pinangyarihan ng krimen.

Hinala ng pulisya na isa na namang kaso ng salvaging ang pamamaslang sa biktima.

Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang Cainta Philippine National Police (PNP) para mabatid kung sino ang biktima at kung ano ang motibo sa krimen. Jhie Convocar

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply