Kelot na nandura ng aso binurdahan ng may-ari

HINDI na umabot ng buhay sa pagamutan ang isang 48-anyos na obrero matapos itong saksakin ng kanyang kainuman na nairita sa pagdura sa alagang aso na nasa ilalim ng lamesa at kumakain ng pispis na nahuhulog mula sa pulutan kamakalawa sa Antipolo City.

Sa ulat na tinanggap ni Senior Supt. Manuel Cesar Prieto, Rizal police director, kinilala ang namatay na si Allan Pena, 48, ng Real St., Lores Country Homes, Brgy. San Roque.

Arestado naman ang suspek na si Bryan Navarro, 29, ng Blk 19 Lot 54, Pounds St., Lores Country Homes, may-ari ng aso na dinuraan ng nasawi.

Sa imbestigasyon nina P02 Jerom Arellano at P01 Marcelo Alido, dakong alas-tres ng hapon masayang nag-iinuman ang namatay at ilang kaibigan sa labas ng bahay ng suspek.

Dala ng kalasingan ay nairita ang biktima sa kakasuot ng aso sa ilalim ng mesa at nanginginain ng mga laglag na pulutan.

Sa inis ay dinuraan ng biktima sa ulo ang alagang hayop na ikinagalit ng suspek.

Dito na nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang namatay at akusado kung saan binasag ng biktima ang bote ng alak at inihataw ito sa ulo ng suspek.

Inawat pa ng ilang kainuman ang dalawa ngunit nakabunot na nang kutsilyo ang suspek na ubod lakas na sinaksak sa kaliwang dibdib ng  biktima.

Isinugod pa ito sa Unciano Medical Center, ngunit ideneklara na itong dead on arrival.

Agad namang naaresto ng mga awtoridad ang papatakas na si Navarro. Cesar Barquilla

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply