Kelot nagpasikat, tumulay sa high tension wire ng Meralco tigok

MAGIGING sikat ako panoorin n’yo ako sa tv!”

Ito ang huling text message na nakita sa naiwang cellphone ng hindi nakilalang lalaki bago tumuntong sa high tension wire ng isang poste ng Meralco sa Sct. Esguerra at Timog Ave., sa Quezon City, Linggo, Marso 6.

Basag ang bungo ng hindi pa nakikilalang biktima na naka-shorts at t-shirt lamang, tinatayang nasa 45-50 anyos nang lumagapak sa kanyang kamatayan pasado alas 8:30 ng umaga kanina.

Ayon sa ilang nakatambay sa lugar, una nilang nakita ang biktima na umakyat sa katabing puno ng poste ng Meralco sa nasabing lugar at tila may kausap sa cellphone.

Matapos ay tinawid na ng biktima ng puno bago umakyat sa naturang poste ng Meralco at tumuntong sa high tension  wire bago nagkikisay na nahulog sa kalsada.

Ayon sa mga pulis, naka-address sa isang babae ang text message ng biktima.

Hindi pa makumpirma ng mga pulis kung may sakit sa pag-isip ang hindi nakilalang lalaki. Alex Ching

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply