Kelot patay dahil sa onsehan sa droga

TODAS ang isang binata matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin Sabado ng umaga, Marso 5, sa Tala, Caloocan City.

Idineklarang dead on arrival sa Dr. Jose Rodriguez memorial Hospital ang biktima na nakilalang si Jaime Lucaden, 45, sanhi ng tinamo nitong tatlong tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon ni P03 Julian H. Chavez ng Station Investigation Division (SID), ganap na alas-onse ng umaga nang maganap ang insidente sa harap ng isang sari-sari store a nasabing lugar.

Nakaupo umano habang naninigarilyo si Lucaden sa nasabing tindahan ng biglang dumating ang dalawang salarin na agad nagbunot ng hindi pa batid na kalibre ng baril at tatlong ulit na pinaputukan ang biktima.

Agad tumakas ang mga salarin dala ang kanilang ginamit na baril.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya, partikular na sa anggulo na onsehan sa droga ang ugat sa pagpatay. Roger Panizal

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply