Kelot patay sa gang war

PATAY ang isang 18-anyos na lalaki makaraang magkaroon ng gang war malapit sa kaniyang bahay sa Sampaloc, Manila, gabi ng Linggo, Marso 20.

Ayon sa report ng dzBB, namatay si Henry Carpio, 18, sa gitna ng laban ng dalawang grupo sa kanto ng Florentino at Crisostomo Streets sa Sampaloc.

Ayon kay Police Officer 2 Aaron Cortez ng Manila Police District Station 4, naganap ang insidente bandang 8:45 p.m.

Batay pa sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, tinatayang 30 kalalakihan ang nagkasagupaan malapit sa bahay ng biktima.

Pawang armado ng homemade shotgun ang dalawang grupo. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply