Kelot patay sa riding-in-tandem

PATAY ang 28-anyos na lalaki matapos barilin ng dalawang ‘di-nakilalang salarin, Martes ng gabi, Marso 29, sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang biktima na Herbert Cloma, namamasukan sa Prince Vulcanizing Shop, sa R-10, Tulungan Center, Tondo, Maynila.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang “riding in tandem” na tumakas matapos ang pamamaslang sa biktima.

Sa report ng Manila Police District (MPD)-Station 1, alas-siyete ng gabi nang maganap ang insidente sa nasabing lugar.

Abala ang biktima sa pagtratrabaho sa loob ng nasabing vulcanizing shop nang biglang dumating ang dalawang salarin na lulan ng motorskilo saka nilapitan si Cloma at walang sabi-sabing pinaputukan sa mukha.

Nagsasagawa na ng follow up operation ang awtoridad sa ikadarakip ng mga suspek. Jocelyn Tabangcura–Domenden

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply