Kelot pinatay sa sakal

HINALANG pinatay sa sakal ang isang lalaki nang natagpuang nakahandusay sa Sampaloc, Maynila, Martes ng madaling-araw, Marso 22.

Inilarawan ang biktima  na nasa edad 35 hanggang 40, kayumanggi , katamtaman ang pangangatawan, may nunal sa itaas ng kaliwang bahagi ng mukha, nakasuot ng polo shirt na puti at maong na pantalon.

Sa report ni SPO2 Edmundo Cabal ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 5 ng madaling-araw kanina nang matagpuan ang biktima sa Laong Laan corner Asturias Sts., Sampaloc.

Nagpapatrolya si Josefino Santigao, tanod ng Brgy. 47, Zone 46 nang makita ang biktima na nakahandusay sa kalsada.

Nilapitan umano ni Santiago ang biktima sa pag-aakalang natutulog lamang ito subalit nagulat siya nang makitang nakabalot ng packing tape ang mukha ng biktima at wala nang buhay.

Agad inireport ni Santiago sa pulisya ang insidente kung saan iniimbestigahan na ng awtoridad ang motibo sa krimen.  Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply