Kelot sinakal saka pinagsasaksak

SINAKAL muna bago pinagsasaksak ang 45-anyos na lalaki bago iniwan na naka-packaging tape ang kamay at paa sa Tondo, Maynila, Martes ng madaling-araw.

Inilarawan ang biktima na may taas na 5’5″ o 5’6′, katamtaman ang pangangatawan, kayumanggi at nakasuot ng pulang short pants at walang pang-itaas na damit.

Sa report ni SPO2 Virgo Villareal, dakong 2:30 ng madaling-araw nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa kahabaan ng Matibay St., malapit sa kanto ng Albuquerque St., Tondo, Maynila.

Ayon kay Villareal, isang lalaki na tumangging magpakilala ang umiihi umano sa nasabing kalye nang mapansin ang nakabulagtang katawan ng biktima.

Agad umano nitong ipinagbigay-alam sa isang barangay tanod na malapit sa lugar na nag-report naman sa MPD-Station 2.

Ayon pa sa imbestigador, hinihinalang biktima ng salvage ang biktima na may indikasyong sinakal muna bago pinagsasaksak sa iba’t ibang parte ng katawan.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang pulisya hinggil sa insidente.  Jocelyn Tabangcura -Domenden

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply