Kelot sinamurai dahil sa sugal na cara y cruz

MALUPIT ang pagkamatay ng isang 22-anyos na binata nang pagtulungan ito ng tatlong suspek at tagain ng isang samurai matapos magtalo dahil sa umano’y dayaan sa sugal na cara y cruz.

Iniwan ding duguan at putol ang kanang kamay ng biktima matapos ang gulo sa Tondo, Maynila, Biyernes ng umaga.

Kinilala ni Insp. Armand Macaraeg, hepe ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, ang biktima na si Michael Manalo Mangalino ng 1269-H Bambang St., Tondo, Maynila.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang mga suspek na sina Dencio Babon, Owey Maramias, at Nognog Rodelio Saclo Jr., na pawang mga nakatira sa nasabing lugar.

Sa report ni SPO3 Benito Cabatbat, dakong alas-kuwatro ng madaling araw nang maganap ang insidente sa iskinita ng Yakal at Quiricada Sts. ng nasabing lugar.

Ayon kay Angel Mangalino, kaanak ng biktima, nagising umano ito sa ingay na nagmula sa tapat ng kanilang bahay kung saan nakaburol ang kanilang tyuhin kaya agad itong bumaba ng bahay upang alamin ang nangyayari.

Inabutan umano nitong nagtatalo ang biktima at si Babon sa burol dahil sa sugal na cara y cruz. Sina Maramias at Saclo ay nanonood ng binanggit na pagsusugal.

Agad naman umanong naawat ni Maramias ang pagtatalo ng biktima at Babon.

Umalis umano Saclo at ngunit agad ding pagbalik sa burol na may dalang samurai.

Hinabol nito ang biktima, na tumakbo upang makaiwas sa armadong kaaway.

Paghabol ay pinagpapalo naman umano ni Maramias ng mahabang bangko ang biktima hanggang sa bumagsak ito.

“Tapusin mo na yan ‘Nog”, ito pa umano ang narinig ni Angel na isinigaw ng isa sa mga suspek.

Matapos maisakatuparan ng mga suspek ang pagtaga sa biktima ay tumakas ang mga ito dala ang ginamit na samurai.

Dinala naman sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktima sanhi ng tinamong mga taga sa katawan at pagkaputol ng kanyang kanang kamay.

Ngunit matapos ng ilang oras ay namatay din ang biktima. Jocelyn Tabangcura- Domenden

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply