Kelot sumalpok sa poste ng Meralco tigok

BASAG ang bungo ng 35-anyos na lalaki matapos sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa poste ng Meralco sa Pandacan, Maynila.

Dead on arrival sa Sta. Ana Hospital ang biktima na si Marcial Guirren, ng 650 Jesus St., Pandacan, Maynila.

Ayon kay SPO3 Marciano Binayug, ng Manila Police District-Station 10, dakong 10:30 kagabi, Marso 15, nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Jesus at Carreon St., ng nasabing lugar.

Nabatid na minamaneho ni Guirren ang kanyang  motorsiklo na Suzuki (UK 7267) nang aksidenteng sumalpok sa poste ng Meralco sa lugar.

Tumilapon ang biktima dahilan upang magtamo ng mga sugat sa katawan at pagkabasag ng kanyang ulo. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply