Kelot tumba sa anim na bala

ANIM na bala ang pumasok sa katawan ng 27-anyos na lalaki dahilan ng  kanyang pagkamatay, matapos pagbabarilin kaninang madaling araw, Marso 11, sa Sampaloc, Manila.

Kinilala ang biktimang si Scotch Wayne Hernandez Coronado, ng 835 Geronimo St., Maisan, Sampaloc, habang patuloy namang tinutugis ang suspek na si Margarito Jerusalem Mendoza, alyas Kalbo, 40, ng naturang lugar.

Batay sa ulat na isinumite kay Sr. Inspector Armando Macaraeg, hepe ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, dakong 12:05 a.m. nang maganap ang pamamaril sa biktima sa mismong harap ng bahay nito.

Nabatid na bago ang insidente ay dumating na may pasa sa mukha ang biktima, dahil umano sa away ng isa sa mga kamag-anak nito na hindi na binanggit ang pangalan.

Ilang saglit pa ay laking gulat na lamang ng ilang naroroong residente at kamag-anakan ng biktima nang sunud-sunod na putok ang umalingawngaw at bumuwal ang biktima.

Inaalam na ng pulisya kung may kinalaman ang naunang napasukang away ng biktima sa pagpatay sa kanya. Rene Crisostomo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply