Kelot utas sa bala

POSIBLENG matandang atraso ang motibo sa pamamaslang sa isang lalake matapos patalikod na barilin ng dalawang armadong lalaki, kaninang madaling-araw sa Pasay City.

Naisugod pa sa pagamutan ang biktimang si Gilbert Hababag, 27, ng Block-2, Lot-19, Yakal St., Bo. Sto. Nino, subalit binawian din nang buhay habang nilalapatan ng lunas bunga ng mga tama ng bala ng baril sa likod.

Samantala, tinutugis na ng mga pulis ang hindi pa nakilalang mga suspek agad na nagsitakas matapos ang krimen.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PO2 Melvinf Garcia, ng Station Investigation and Detective Management Section ng Pasay city police, naganap ang insidente 3:40 ng madaling-araw, Marso 12 sa Don Carlos Village, Pasay City.

Naglalakad ang biktima nang mula sa kanyang likuran ay pinagbabaril siya ng dalawang suspek saka nagsitakas.

Inaalam na ng pulisya kung ano ang motibo sa krimen. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply