Kidnapper nadakip sa Malabon City

SWAK sa kulungan ang isang lalaki na hinihinalang kidnapper matapos madaanan ng mga pulis habang akay ang dalawang bata sa Malabon City Sabado ng umaga, Marso 19.

Nakilala ang suspek na si Armando Herrera, 34 at residente  ng Sta. Monica, Balubaran, Valenzuela City.

Sa ulat, dakong 10:00 ng umaga nang madaanan ang suspek sa Crisina St., Panghulo ng lungsod habang akay ang isang batang lalaki na nasa siyam na taong gulang at isang dalagitang nasa edad 13.

Umiiyak ang dalawang bata na naging dahilan upang lapitan ng mga pulis si Herrera.

Hindi na nakatakbo ang suspek nang magsalita ang mga bata na hindi nila kilala si Herrera dahilan upang dalhin ito sa presinto.

Sampung bata pa ang nagpunta sa presinto at positibong itinuro ang suspek na siyang nagtangkang tumangay sa mga ito sa magkakawihalay na pagkakataon. Rene Manahan

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply