Kiko sumuporta sa pagpapaliban ng ARMM polls

SINUPORTAHAN ng isang kaalyado ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino, III ang panukala ng Palasyo na ipagpaliban ang nakatakdang halalan sa Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM) sa Agosto kahit maraming senador ang tutol dito.

Sa ipinalabas na pahayag nitong Biyernes, Marso 25, inihayag ni Sen. Francis Pangilinan na sinusuportahan nito ang pagpapaliban ng ARMM polls sa pagsasabing “magkakaroon ng reporma sa kalagayaang electoral at pulitikal sa lugar sa loob ng tatlong taon.”

“While we recognize and respect the views of those who believe that the elections should push through, we believe that for the sake of genuine reforms in the ARMM, we must be willing to do things differently. Clearly we are left wanting in this failed political experiment. The Ampatuan massacre is one clear proof that the elections there have failed to benefit the people, thus radical change is needed.”

Sinabi pa ni Pangilinan na dapat ipagpaliban ang halalan sa ARMM dahil karamihan sa nahalal na gobernador ng lalawigan dito ay nahaharap sa kasong katiwalian.

Nilikha ang ARMM noong 1989 sa pamamagitan ng RA. No. 6734 alinsunod sa probisyon sa Saligang Batas na magkaroon ng awtonomiya sa Muslim Mindanao. Kahit klasipikadong awtonomiya ang lugar, tumatanggap pa rin ito ng aabot sa 98% ng kabuuang operating budget nito mula sa pambansang pamahalaan.

“We have had regular elections in the ARMM for two decades now, but those elected by and large failed to provide the leadership needed to transform the region,” dagdag ni Pangilinan.

“We propose a three-year hiatus so that we may have a window to implement genuine reforms needed to govern such a region. We would like to see an ARMM that will truly provide real meaning to autonomy and self-governance.” Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply