Kilabot na Abu Sayyaf arestado sa Sulu

NADAKIP ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Marines at Army Intelligence ang isang kilabot na kasapi ng Abu Sayyaf na responsable sa serye ng kidnapping at bombing activity sa Jolo Sulu, ayon sa tagapagsalita ng militar.

Ayon kay Army Lt. Col. Randolph Cabangbang spokesman ng AFP Western Mindanao Command, dakong 7:30 ng gabi kahapon, Martes, Marso 1 nang madakip ng Joint AFP Intel Operations ang suspek na si Sali Said, 20, sa Barangay Port area, Jolo pier, Jolo, Sulu.

Nabatid na si Said ay kasapi ng ASG Urban Terorrist group sa ialalim ng pamumuno ni Abu sayyaf  sub-leader Jamiri Jawhari na kumikilos sa Sulu area.

Tinuturong sangkot ang suspek sa serye ng  kidnapping/bombing activity, liquidation ng mga military/police personnel sa lalawigan.

Sangkot din ang suspek sa harassment sa Headquarters ng 3rd MARINE Brigade  nitong nakalipas na Disyembre at pagsunog sa Tuup, Elementary School sa Sitio Tuup, Brgy Taung, Patikul, Sulu at pagsunog sa isang  unit ng  bulldozer na ginagamit sa road construction sa Bgy. Danag. Verlin Ruiz

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply