Kilos-protesta kasado na ngayon

NAKAKASA na ang isasagawang malakawang protesta ng Piston ngayong araw, Marso 31, na inaasahang 500 na miyembro ang lalahok upang kalampagin ang gobyerno sa patuloy na pagtaas ng produktong petrolyo.

Magsisimula ang grupo sa Quezon City Circle bandang 9:00 ng umaga. Ngunit maagang maaga pa lamang ay nakapuwesto na ang mga pulis upang bantayan ang mga protesters.

Hihilingin ng mga tsuper na bigyang solusyon ang patuloy na pagtaas ng produktong petrolyo kasabay ng paghiling ng dagdag-pasahe.

Inaasahan ding lalahok ang ibang miyembro ng naturang grupo sa probinsiya sa naturang protesta.
Nilinaw ng Piston na hindi tigil pasada ang mangyayari ngayong araw, ngunit maaari rin umanong maparalisa ang transportasyon.

Lalarga ang grupo papuntang Welcome Rotonda upang magsagawa ng programa, tutuloy ang mga ito sa UST Espana, hanggang Mendiola. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply