Kinarnap na sasakyan ng COA chair narekober

NABAWI na ng awtoridad ang Toyota Fortuner ni Reynaldo Villar, chairman ng Commission on Audit (COA) Chairman sa F. Cruz, Aguirre Avenue, B.F. Homes Subdivision, Parañaque City, Miyerkules ng hapon, Marso 30.

Ang ninakaw na saasakyan ay nasa kustodiya ni Senior Superintendent Nestor Pastoral sa punong himpilang ng pulisya.

Ayon kay Villar, naiwanan sa loob ng kanyang sasakyan ang P80,000 cash, camera at ilang Barong Tagalog nang tangayin ng suspek ang sasakyan.

Batay sa pahayag ni Villar lumabas siya sa Conti’s restaurant sa Aguirre Avenue sa nasabing subdivisionnoong Martes ng umaga nang lumapit sa kanya ang isang lalaki na nakasumbrero at jacket.

Bigla umanong pumasok sa front passenger side ng Fortuner ang naturang lkalaki at tinutukan siya ng baril.

Inutusan din siya nitong paandarin ang sasakyan.

“Alam ko kilala niya ako dahil tinawag pa niya ako ng ‘chairman.’  May hinala ako na isang linggo na niya akong sinusubaybayan eh.” Ayon kay Villar

Sa kwento ng COA chair, ilang oras din siyang pinagmaneho sa loob ng subdivision bago siya pinababa ng sasakyan.

Madaling nakatakas ang carjacker dahil marami umanong exit ang subdivision .

Sa kasalukuyan, nagsasagawa na ng imbestigasyon ang awtoridad upang matukoy ang suspek sa pamamagitan ng latent finger print na posibleng makuha sa loob ng inabandanang sasakyan ni Villar. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply