Kinatawan ng 1-Utak umupo na sa Kongreso

SA WAKAS, ipinanumpa na bilang bagong miyembro ng Kamara de Representantes ang isang kinatawan ng party-list na 1-Utak.

Si Homer Mercado ng nasabing grupo ay opisyal nang iniluklok bilang opisyal na miyembro ng Kamara matapos maglabas Lunes ang Commission on Elections (Comelec) en banc ng pagpapahintulot na maaari na itong umupo sa Kongreso.

Si Mercado ay presidente ng Provincial Bus Operators Association.

Dahil dito, nananatiling nasa 283 ang kabuuang bilang ng mga kongresista sa kabila ng pagkakakalas kay Ilocos Sur Rep. Ronald Singson, na nakakulong ngayon sa Hong Kong sa kasong drug trafficking.

Si Mercado ay pinaupo ng Comelec bilang kinatawan ng 1-UTAK halos isang buwan matapos magpakamatay ang orihinal na nominee number 1 ng partido na si dating Armed Forces chief Angelo Reyes.   Meliza Maluntag

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply