Klitschko vs Haye tuloy

MATUTULOY na ang pinakamatagal na inaabangan na labanang IBF, IBO, WBO at Ring Magazine Heavyweight Champion Wladimir Klitschko ng Ukrain kontra kay WBA Heavyweight Champion David Haye ng London. Pirma na lang ang kulang.

“It’s 99 percent. This week it will be finally signed and also announced. But it is not signed”, ayon kay Bernd Boente, ang manager ni Klitschko sa isang panayam niya sa ESPN.com.

“I am really pleased that we have closed a deal on this fight”, pahayag ni Klitschko sa isang artikulo sa pahayagan.

“The terms were right, it’s a fair deal — it’s 50-50 split. That’s what they wanted and that’s what I wanted”, paglilinaw ni Haye sa BBC.

Pinagpipilian ang petsang Hunyo 25 at Hulyo 2 sa taong ito ang kanilang magiging sagupaan. Tinatayang sa Germany gaganapin ang laban dahil sikat na sikat ang Ukrainian Boxer.

Matatandaan makailang ulit na hindi natuloy ang laban ng dalawa dahil sa hindi pagsang-ayon sa mga kondisyon ng bawat isa. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply