Kliyente iniwan sa ere: Abogada dinisbar ng SC

PINATANGGALAN ng lisensya ng Korte Suprema ang isang abogada na unang pinatawan ng limang taong suspensiyon  dahil sa pagtalikod sa kanyang kliyente.

Sa per curiam decision ng Supreme Court en banc,  iginawad ang disbarment kay Atty.  Luna B. Avance  dahil sa hindi pagsunod sa utos ng Kataas-taasang Hukuman,

Noong December 11, 2003,  inatasan ng Mataas na Hukuman si Avance na ibalik sa kanyang kliyente ang P3,900 matapos mapatunayang nagkasala sa kasong gross misconduct.

Habang suspendido,  tumayong counsel si Avance sa tatlong kaso bilang “Atty. Liezl Tanglao”  salig  sa sulat noong November 12, 2007 ni Judge Consuelo Amog-Bocar, presiding judge  ng  Iba, Zambales  RTC Branch 71.

Binigyang pagkakataon ng SC si Avance na makadepensa sa naturang liham ng hukom ngunit sa kabila ng mga kautusan ay hindi  nagpaliwanag ang abogada.

Noong September 29, 2009,  nagpalabas ng kautusan ang SC na nagsasaad na nagkasala si Avance sa kasong contempt  at pinagmumulta ng P30,000.

Binalaan din ng SC si Avance na huwag nang uulitin ang pagkakamali dahil mas mabigat na parusa ang igagawad sa kanyan.

Ayon sa SC, sa kabila ng babala, hindi binayaran ni Avance ang ipinataw na multa sa takdang oras. Teresa Tavares

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply