Kogresista sa pamahalaan: Maging maagap!

MATAPOS ang kalunus-lunos na kalamidad sa Japan, hinimok ni Cagayan Rep. Jack Enrile ang mga kinauukulang ahensya at opisyal na huwag tutulog-tulog at laging maging alerto.

Binigyang diin ng kongresista na sa pagiging alerto ay mababawasan ang posibleng lawak ng pinsala sa anumang darating na kalamidad sa bansa.

Aniya sa bawat kalamidad na darating sa bansa na katulad ng mga nagdaan gaya ng Ondoy at lindol na katulad ng sa Japan ay buhay ang nasa panganib lalo pa at walang kahandaan.

Matapos ang 24 oras ay agad ding binawi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang inisyung Tsunami Alert Level 2 sa may 19 na lalawigan sa Pilipinas kasunod ng Tsunami sa Japan.

“Sa aming probinsya sa Cagayan, madalas kaming bisitahin ng bagyo kaya hindi na bago sa mga kababayan natin doon ang constant preparedness o yung sinasabi nating laging handa para sa emergency. This is a good lesson for the rest of our countrymen to follow.”

Sa kanyang distrito ay agad naipatupad ni Enrile at ng mga lokal na opisyal sa Cagayan ang preemptive evacuation ng may 5,000 pamilya na naninirahan sa tabing dagat.

Ito aniya ang pinakamalaking bilang ng pamilya na nailikas sa mga lalawigan kabilang sa tsunami warning.

“Our local officials responded well to the emergency and swiftly and efficiently implemented a preemptive evacuation plan. I believe that all our local government units should be trained and equipped to conduct such an operation in order to prevent casualties in cases like this,” paliwanag ni Enrile. Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply