Kol en teks at dinner party sa Mercy impeachment

SA kasagsagan ng kasong impitsmen ni Manang Mercy sa Kamara, pinutakti ng kol en teks ang mga kongresman.

May nagtatawag sa onorabol kongresmen  na huwag ilaglag si Manang Mercy.

Kung ano ang ibig sabihin ng alagad ng diyos umano, eh, hindi natin alam.

Misteryo sa lahat ng mga misteryo ang tawag “Hello, Kong.”

Kasabay ng kol na ito ang teks naman na may lamang pananakot.

Sinomang kongresman ang hindi maglalaglag kay Ms. Ombudsman ay hindi magkakaroon ng 20 milyong bote ng mantika sa nguso.

“No to impeachment, no pork barrel.”

Kung totoo man ang mga ito na naging istayl sa pang-iimpluwensiya o pamumuwersa sa mga kongresman, hindi natin alam.

Pero ang maliwanag, kung totoo man ang kol en teks, mas bilib ang 212 na kongresman sa kinang ng salapi kaysa tawag ng diyos o demonyo kaya.

oOo

Mahigit isang buwan na mag-isip-isip ang mga kongresman at senador  kung ano ang gagawin nila sa impitsmen trayal o pag-uusig sa Senado. Simula nitong nakaraang Huwebes, nagbakasyon na ang buong Kongreso at babalik sa sesyon ang mga kongresman at senador sa Mayo 9, 2011.

Sa Mayo 9, magsisimula ang drama sa trayal dahil padadalhan na si Mercy ng summon na kanya namang sasagutin.

Magkakaroon din kaya ng kol en teks na pro at anti-impitsmen-Mercy sa hanay ng mga senador? Magiging epektib pa rin kaya ang dinner-victory party para sa mga kongresman na magsisilbing piskal?

May mangangako rin kaya ng dinner party para sa mga senador kung mananalo o matatalo ang anti o pro-impitsmen ni Mercy?

Para sa atin, justice is not for sale kahit na ol politiks ang impitsmen. Rey Briones

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply