Kolektor sa palengke dinos-por-dos, patay

NABIYAK ang bungo ng isang market collector matapos na walang-awang paghahatawin ng dos-por-dos na

kahoy sa kanyang ulo ng hindi pa nakikilalang salarin habang nag-aabang ng masasakyan sa tapat ng palengke gabi ng Miyerkulses, Marso 16, sa Balintawak, Quezon City.

Hindi na umabot ng buhay sa Quezon City General Hospital ang biktimang si Richard Canama, 37, market collector ng

Balintawak Cloverleaf Market at residente ng Baesa, Quezon City, bunga ng tinamong malaking biyak sa bungo nito.

Batay sa inisyal na imbestigayon ng Quezon City Police Department-Crime Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU),

naganap ang insidente pasado alas-singko ng hapon habang naghihintay ng masasakyang jeep ang biktima sa isang

terminal sa Balintawak.

Bigla na lamang umanong nilapitan ng hindi pa nakikilalang lalaking may hawak na kahoy ang biktima at bigla na lamang pinagpapalo sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan ang nabiglang biktima.

Tumigil lamang umano sa ginawang pamamalo ang suspek nang makitang sumisirit na ang dugo sa ulo ng biktima.

Inaalam pa rin ng mga awtotidad ang motibo ng salarin sa ginawang pamamaslang sa biktima. Alex Ching

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login