Konstruksyon ng SM Blue Residences ipinatigil

PANSAMANTALANG ipinahinto ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang pagpapatayo ng 42-palapag na residential at commercial condominium ng SM Development Corp., para pag-aralang muli ang mga isyung ligal na may kaugnayan dito.

Nagpalabas ng isang pahinang cease and desist order ang QC Department of Building Official (QCDBO) noong Marso 17, 2011, para sa condominium project na SM Blue Residences sa kanto ng Katipunan Avenue at Aurora Boulevard.

Ayon kay Engr. Isagani Verzosa, Jr.,chief ng DBO, inisyu ang kautusan alinsunod sa instruksyon ni Mayor Herbert Bautista dahil sa mga natatanggap na reklamo ng ilang residente ng Loyola Grand Villas Subdivision, Las Vista Subdivision at maging ang pangasiwaan ng Ateneo de Manila University.

Inirereklamo ng mga residente ang kabiguan ng SM Development Corp. na seryosong bigyan ng konsiderasyon ang serye ng tama at epekto ng proyekto sa kalikasan at kapaligiran.

“We have already served the order to the developer. As of now, all construction activities in the project were suspended,” ani Versoza sa isang panayam.

Maaari naman umanong iapela ng SM Development Corp., ang desisyon ng DBO.

Samantala, bunsod ng inisyung cease and desist order, anumang rekomendasyon na ilalabas ng DBO ay isusumite sa Office of the City Mayor para maaprubahan.

Matatandaang noong Disyembre 20, 2010, naghain ng resolusyon sina Councilors Precious Hipolito Castelo, Alfredo Vargas at Allan Benedict Reyes sa 18th City Council na nagpapanukala na bawiin na ang mga exemption na iginawad sa SMDC sa pagtatayo ng SM Blue Residences.  Robert C. Ticzon

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply