Kontrabandong asukal ido-donate ng Pinas sa Japan

BALAK i-donate ng pamahalaan ang mga nasabat na asukal ng Bureau of Customs (BOC) sa Japan.

Ayon sa ulat, ang naturang asukal ay nakumpiska ng BOC sa Manila International Port sa loob ng 34 na container van matapos abandonahin ng consignee nito na Berina Agri-business and Merchandise na idineklara ang mga kargamento na mga exercise equiptment at paper boards na dumating sa Pilipinas noon pang nakarang Pebrero.

Sa 34 na container vans, lima pa lamang dito ang nasusuri ng BOC at tatlo sa mga ito ay mga refined sugar mula pa sa Thailand.

Nabatid na bawat container van ay naglalaman ng 500 sako ng tig-50 kilo ng asukal.

Nakatakdang suriin ang iba pang kargamento ng BOC, Sugar Regulatory Board at ng House ways and means commitee representative sa darating na linggo. Ben Reyes

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply