Korean student nakuryente sa loob ng eskwelahan patay

PATAY na nang idating sa pagamutan ang isang Korean national matapos makuryente sa loob ng isang paaralan sa San Jose City.

Ayon sa ulat ni P/Chief Supt. Agrimero Cruz ng Philippine National Police public information office,  patay na nang idating sa hospital ang biktimang si Charlie Kim, Martes ng hapon, Marso 8.

Lumalabas sa imbestigasyon na naganap ang insidente sa loob ng San Jose City Colleges, 1:30 ng hapon sa Barangay Sto. Nino 1st San Jose City.

Nabatid kay Cruz na kasalukuyang kinukumpuni ni Kim ang electrical wiring sa loob ng kanilang silid nang aksidenteng mahawakan ang isang live wire, dahilan kaya nakuryente ang foreigner student.

Agad namang itinakbo sa pinakamalapit na pagamutan ang biktima pero ideneklara siyang dead on arrival ng mga doktor. Verlin Ruiz

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply