Kotong cop, 2 strikers arestado

ARESTADO ang isang miyembro ng Manila Police District-Traffic Bureau at dalawa niyang “striker” makaraang mahuli sa aktong nangongotong ng delivery truck driver, Huwebes ng gabi sa kahabaan ng President Quirino Avenue Extension, Maynila.

Ayon kay P/Chief Insp. Marcelo Reyes, hepe ng MPD-City Hall Detachment at General Assignment Section, nahaharap ngayon sa kasong robbery extortion at paglabag sa Republic Act 3019 ang suspek na si PO2 Exequiel Samin, 36, ng 101 Gazon st., Samson Road, Caloocan City.

Sinampahan din ng kasong robbery extortion at illegal possession of firearms ang striker ng pulis na sina Gil Aida, 33, tricycle driver at Jimmy Galocter, 36, ng 1266 Dosetek st., Paco, Maynila.

Ang pagkakaaresto  ng mga suspek ay bunsod sa reklamo ni Andy Mijora Margote sa tanggapan ni Reyes hinggil sa pangongotong ng grupo ni Samin sa mga nagdaraang delivery truck sa lugar.

Nabatid na P100 ang hinihingi ng grupo kada-truck tuwing nagdaraan sa nasabing lugar.

Agad namang rumesponde sina PO2 Rdel Maligon, PO2 Jayjay Jacob at PO1 Fred Martinez, sa lugar at nagsagawa ng entrapment operation.

Nagpanggap na driver ng delivery truck ang isang pulis at nang parahin ni Samin at hingan ng lagay ay sinabihan pa itong kukumpiskahin ang kanyang lisensya kapag hindi naglagay ng pera.

Nang iabot na ang hinihinging pera ay agad inaresto si Samin ng mga nakaposteng pulis sa di kalayuan sa lugar. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply