Kotse ni Melissa Mendez tinangay ng kasambahay

KULONG ang menor-de-edad na kasambahay ng aktres na si Melissa Mendez nang tangkang tangayin ang kotse ng huli na sumalpok pa sa isang pader sa Quezon City, Sabado ng madaling-araw.

Dahil menor-de-edad, hindi pinangalanan ni P/Supt. Marcelino Pedrozo Jr., Batasan police station commander ang 17-anyos na katulong na ngayon ay nakakulong na.

Pinag-aaralan naman ni Mendez kung itutuloy ang kaso laban sa kasambahay dahil bukod sa menor-de-edad at probinsiyano ay wala pang lisensya sa pagmamaneho.

Sa ulat ng pulisya, dakong ala-una ng madaling-araw nang tangayin ng suspek ang kotse ng aktres habang iyon ay nakaparada sa garahe.

Pero pagsapit sa Hobart Subdivision sa Barangay Holy Spirit ay bumangga iyon sa isang pader kaya itinawag ng mga residente ang insidente sa aktres na nagresulta sa pagkaaresto sa suspek. Robert C. Ticzon

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply