Kris Aquino hindi nagpatalbog kay Jinkee

NANGAMBA na si Regine Velasquez sa kanyang katabaan. Naiilang at apektado na raw siya sa kanyang pigura.

Ang steroid na ginagamit niyang proteksyon sa kanyang bones ang dahilan raw kung bakit tumataba ang Songbird. Ang problema pa, kahit na raw itigil na niya ang pag-take ng steroid ay hindi nangangahulugan na papayat na uli siya.

“Hindi ito taba, manas ito. Ganoon raw talaga kapag nagte-take ka ng steroids. Bigla ka raw tataba. Nakaka-conscious lang kasi siyempre, kapag nasa harap ka ng camera, hindi maitatago nadagdagan ang timbang mo,” say ni Regine.

Kapag tumaba pa naman siya ay hindi bagay sa kanyang mukha kasi maliit lang ang kanyang face at halata kaagad kapag tumaba.

Tsika pa ni Regine, tatlong buwan daw bago mawala ang manas sa katawan. Pero nagpapasalamat na rin siya dahil gumaling na at nawala na ang matinding ubo. Kaya naman balik taping na siya ng kanyang show sa GMA 7.

Samantalang nakatsikahan namin si Ogie Alcasid sa taping ng Bubble Gang para hingan ng update sa fundraising project na pasimuno nga nina Ogie at Regine.

Ito ang Celebrity Ukay-Ukay na gagawin sa World Trade Center sa April 15-17, na main project ito ng GMA Kapuso Foundation ni Mel Tiangco at hiningi niya ang tulong ng mag-asawang Ogie at Regine para makapag-raise ng P350 million pondo para sa mga ipapatayong school buildings sa iba`t-ibang liblib na lugar sa ating bansa.

Nag-pledge na si Mother Lily Monteverde ng P1 M donation at kakausapin din nina Ogie at Regine ang mga malalapit nilang kaibigan at co-stars para sa nasabing fundraising project.

Sina Marian Rivera at Dingdong Dantes nangakong magbibigay din sa Celebrity Ukay-Ukay Bazaar.

Si Kris Aquino, jewelries daw ang naipangakong ido-onate at si Ogie ay ibibigay ang kanyang piano na ginamit niya for more than 12 years

May sentimental value kay Ogie ang naturang piano pero willing niya itong i-give up dahil makabuluhan naman ang project na pupuntahan at makakatulong pa sa mga mag-aaral.

GOMA, REKLAMO DAW SA TV5

Nagrereklamo raw si Richard Gomez sa TV 5 dahil isa lang ang kanyang show sa naturang network

Pero ito ay itinanggi ni Goma at sinabi na okey na raw yun dahil priority niya talaga ay tutukan ang misis na si Congresswoman Lucy Torres sa mga project nito.

Tsika pa ni Goma, magkaiba raw ang approach nila ni Lucy sa pagi-implement ng mga projects, pero in the end ay nagkakasalubong daw ang kani-kanilang ideas.

Hindi naitago ni Goma ang sobrang pagkabilib kay Lucy dahil sa dami ng mga projects nito sa Ormoc at possible rin raw na tumakbo uli sa susunod na election si Lucy

Siya naman ay hindi pa sigurado pero kung saka-sakali ay posibleng mayor ng ang kaniyang tatakbuhin dahil mas marami raw kasing project ang puwede nilang isulong sa Ormoc kung magta-tandem sila ni Lucy.

Sabi pa ni Goma, kung noon raw ay alinlangan pa si Lucy sa pagpasok sa pulitika. Ngayon daw ay buong-buo na ang loob nito at ipinagmamalaki niya ang asawa dahil wala itong inisip kundi mapaunlad ang Ormoc.

**************

Hanggang ngayon ay pinagtatalunan pa rin ang pagbabati nina Sarah Geronimo at Cristine Reyes. May nagsasabi na plastikan lang daw ang pagbabati ng dalawa at kaya raw ginawa ni Sarah makipagbati kay Cristine ay alang-alang sa movie with Gerald Anderson?

Pero pinagdiinan ni Sarah na bukal sa loob niya ang ginawang move para makipag-ayos sa utol ni Ara Mina.

Kung binibigyan raw ng malisya ng iba ang ginawa niyang pagbati sa sexy actress ay wala siyang magagawa. Basta ang importante ay nagkaayos na sila ni Cristine

Itinanggi rin ni Sarah na kaya siya nakipagbati kay Cristine ay para di maapektuhan ang movie nila ni Gerald (Anderson)

Wala raw katotohanan ang naturang balitang at wala raw sa isip niya ang pelikula niya nang makipag-ayos sa utol ni Ara.

We heard na inimbita ni Ara si Sarah sa isang okasyon at pinagbigyan naman ito ng Pop Princess. Gerry Ocampo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply