Kris Aquino napraning sa change ng slot ng kanyang show

DAHIL sa pag-eere ng bagong show sa Dos ay ora-oradang nagkaroon din ng pagbabago sa schedule ng show ni Kris Aquino na “The Price is Right” na dapat ay Monday to Friday ay naging Sabado na lang para nga bigyan daan ang bagong drama show.

Maging ang show rin ni Melissa Ricks ay hindi na muna matutuloy umere to give way also sa bagong drama series.

Tulou, may naglabasang balita na nagalit raw si Kris nang malamang magiging once a week na lang ang The Price is Right. Pero kaagad naman sinabi ng head ng communication department ng Dos na wala raw naging problema kay Kris.

Pero sa Twitter account ni Kris ay may makahulugang tweet ang actress/TV host.

“Thank you for the concern, the support & for caring about me. This is I instance where being honest will just cause more problems. So pls allow me my silence regarding  Price is Right. I`m also realistic enough to know when its time to think not just about today but tomorrow, not just where I am now but where I should be going. Mahirap mag-decision kapag mabigat ang kalooban,” tweet ni Kris.

So there, ano kaya maging reaction ng head ng communication department ng Dos sa tweet ni Kris?

*****

Balik telebisyon na si Chris Tiu sa bago niyang programang Man vs Beast na nagsimula noong Sabado sa GMA 7.

Unang TV show ni Chris ay ang “Pinoy Records” at sinundan ito ng “Ripley`s Believe It Or Not” bilang host. Maging sa Hanep Buhay, napatunayan ng sikat na basketball player na kasama sa Philippine Team ng basketball na credible din siyang source ng information at entertainment.

Sa pagbabalik niya sa TV, ipakikita ni Chris ang videos ng labanan ng tao at hayop sa iba`t ibang challenges. Makakasama niya sa show sina Chariz Solomon at Sheena Halili.

*****

Gusto lang ibalik ni Marvin Agustin ang tinatamasang tagumpay sa negosyo sa mga mapipiling kalahok sa reality cooking show na Kitchen Superstar ng GMA-7 siya ang magho-host.

“Ang pipiliin namin kasi contestant ay yung hindi nakatapos ng pormal na pag-aaral pero may passion sa pagluluto. Kagaya ko ring hindi nakatapos pero maraming tumulong kaya paraan ko ito ng giving back sa mapipili. Either na isama ko siya sa restaurant ko o gawan ng restaurant na pagkakakitaan,” tsika ni Marvin.

Ang mapipiling contestant ay ibabahay ng 35 days at bukod sa isang milyong pisong premyo, tutulungan pa ng show na magkaroon ng pagkakakitaan ang mananalo.

Hindi allowed si Marvin na tikman ang sampol ng pagkaing dala ng nag-audition dahil siya ang host ng show at para maiwasan na rin ang mga malolokong tao.

Unang titikim ang contestant sa dalang pagkain bago ang mga hurado, pero mayroong surprise challenge sa second part ng audition kaya malalaman talaga kung personal ang luto na gawa ng nag-audition kaya naman walang lusot ang mandaraya.

*****

Dahil sa nangyaring mainitang pagtatalo nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ay hindi na matutuloy ang sana’y pagse-celebrate nila ng kanilang first anniversary this April 16.

Kung paniniwalaan ang nakarating sa aming “pagtatalo” ng dalawa ay malabo nang magkabalikan ang dalawa.

Marami ang nagtangkang kumausap kina Jenn at Dennis para tanungin ang tunay na dahilan ng kanilang break-up, pero lahat ay walang napiga sa dalawa.

Ayaw magbigay ng comment ni Jenn at sinabi naman ng manager ni Dennis na si Popoy Caritativo na hindi magbibigay ng anumang statement ang alagang actor, na dapat lang at makatuwiran dahil di magandang tingnan kung ang lalaki pa ang magpapa-interview.

Sabi naman ng manager ni Jenn na si Becky Aguila, March 5 pa nagkahiwalay ang dalawa.

Nakiusap ang manager na hayaan daw muna maghilom ang sugat sa puso ni Jenn at sasagutin din daw ng alaga ito sa tamang panahon.

Nagkaroon ng relasyon sina Jenn at Dennis nang magsama sila sa “Gumapang Ka Sa Lusak,” afternoon drama series ng GMA 7.

Marami ang nag-akala na sila na nga ang magkakatuluyan dahil pareho sila ng kapalaran, mga single parent at parehong lalaki ang kani-kanilang naging anak. Gerry Ocampo

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply