Kris Aquino, Ruffa Gutierrez tinuldukan ang alitan sa Edsa People Power anniv

SA wakas ay tuluyan nang tinuldukan ng dating nagkatampuhan na sina Kris Aquino at Ruffa Gutierrez sa paggunita ng 25th anniversary ng Edsa People Power Revolution noong Biyernes, February 25.

Sabay na nag-host ang dating co-hosts ng The Buzz, kasama ang comedienne na si Ai-Ai delas Alas na kaibigan din ng dalawa.

Sa taped interview ng The Buzz kina Kris at Ruffa, parehong naging emosyunal ang dalawa lalo na’t first time daw nilang magkasamang muli simula nang magkaroon ng isyu sa pagitan nila.

Ayon kay Kris, “All’s well that ends well. I mean, effort yung ginawa ni Ruffa to be here tonight and I’m so appreciative of that effort.”

Sabi naman ni Ruffa, “Umiyak-iyak ako kanina. Hindi naman talaga kami nakapag-usap since that incident. Sabi ko sa kanya, ‘Uy, Kris, sorry ha… hindi ko naman kasi alam na may pinagdadaanan ka pala noon.'”

Ayon sa dalawa, naibaon na raw nila sa limot ang hindi nila pagkakaunawaan.

Ani Kris, “Kasi, we’ve known each other since we were kids. Parang ang tanda na nating dalawa. So, dapat talaga move on tayo at magpaka-happy na lang tayo sa buhay natin.”

Since San Agustin days pa raw nila ay magkakilala na sila.

Dugtong ni Ruffa sa sinabi ni Kris, “Hindi naman ganoon katindi talaga…kababawan lang.”

Dagdag ni Kris, “Lumaki lang dahil sa gitna ng election.”

Matatandaang noong May 2010 elections, ang kapatid siyempre ni Kris na si dating Senator Noynoy Aquino ang sinuportahan ng TV host-actress, samantalang si Gibo Teodoro naman ang naging pambato ni Ruffa.

May naging pahayag naman si Ruffa sa harapan mismo ni Kris.

Aniya, “You know, Kris, you have no mean bone in your body.”

Sinagot naman ito ni Kris ng, “Mabuti naman, in fairness sa ‘yo.”

Sabi naman ni Ruffa, “Pareho naman tayong mabait.”

“At talagang prino-claim natin na mabait tayo!” natatawang sabi ni Kris.

Ayon kay Ruffa, masaya siya na nasa Edsa celebration siya noong gabing yun, at gayundin naman daw si Kris na masaya sa presence ni Ruffa.

Sabi ni Kris, “‘Eto, walang halong kaplastikan or pagpapa-cute or whatever, kasi Ruffing, siguro, we’re at our point in our lives that the past is behind us, okay, and present, and we can look forward to the future. ”

Naikuwento rin ni Kris na bago ang insidente sa isang bar kunsaan una silang nagkita by accident ni Ruffa, nakita niya sa concert ni Taylor Swift ang mga anak ni Ruffa na sina Lorin at Venice.

“Actually, Taylor Swift pa lang, nakita ko ang mga anak niya. They went to me and yumakap talaga. At kasi nga, mahaba naman ang pinagsamahan talaga.

“I was saying, it was so much fun na nagho-host with Ai-Ai there. Na anuman ang mangyari, magkasama tayong tatlo ulit. Dapat lang para umingay,” sabi ni Kris.

Ayon naman kay Ruffa, natuwa raw ang mga anak niya nang makita si Kris sa concert ni Taylor Swift.

After their hosting stint at the 25th celebration of the Edsa People Power, parehong nag-post sina Kris at Ruffa sa Twitter ng kanilang kasiyahan sa pagkikita at tuluyan na nilang pagkakaayos. Gwenn Salamida

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply