Kris Aquino wa na keber kung may relasyon sila James Yap at Isabel Oli

HINDI mawala-wala ang isyu tungkol kina James Yap at Isabel Oli kaya marami ang naniniwala na may katotohanan ito. Para kay Kris Aquino, okey lang daw kung totoong may relasyon sina James at Isabel.

“He has the freedom already to fall in love with other girls, although not legally pa kasi wala pa naman ang annulment papers namin. Hiwalay na naman kami kaya he could do whatever he wants,”pahayag ni Kris.

Ayaw na niyang mag-comment pa further kasi nangako na raw siya kay James na magsa-shut up na siya sa media tungkol sa kanila.

“Ayokong pagmulan na naman ito ng away between us. Kaya alang-alang sa peace, love and harmony, quiet na ako. After all James and I are friends now. We’re both trying to be responsible parents to Bimbee,”tugon ni Kris.

TRIP TO CHINA, POST-VALENTINE GIFT NI RYAN KAY JUDAY

TRIP to Shanghai, China ang belated Valentine’s gift ni Ryan Agoncillo sa kanyang beloved wife na si Judy Ann Santos. Lumalabas na magsisilbing second honeymoon nila itong mag-asawa kaya naman nandiyan kaagad ang speculations na baka sundan kaagad nila si Lucho. “Hindi naman kami nagpa-plano at hindi rin namin pinipigilan. Basta kung mangyayari, mangyayari. Five months na rin si Lucho,”pahayag ni Ryan.

Plano raw mag-balik-TV ni Juday this year. Gagawa rin ito ng pelikula at mga TV commercials. Pero hindi raw full-time ang pagso-showbiz ni Juday dahil nakatutok ito kina Yohan at Lucho. “She’s a hands-on mother kaya limited lang ang trabahong pwede niyang tanggapin,”paliwanag ni Ryan.

Nananatiling highest rated show ng TV5 ang Talentadong Pinoy at at naging matagumpay ang ginanap na grand finals for this season noong Sabado at Linggo sa Ynarez Stadium, Antipolo City. Tonee Coraza

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply