Krisis sa pagkain nakaamba

NAGBABALA si Senador Edgardo Angara sa nakaambang krisis sa pagkain hangga’t hindi natatapos ang kaguluhan sa Gitnang Silangan.

Ayon kay Angara, dapat ngayon pa lamang ay pinaghahandaan na ng gobyerno ang food crisis dahil tiyak na patuloy na tataas ang presyo ng pagkain sa buong mundo.

Sigurado si Angara na ang mga pinakamahihirap na pamilya sa bansa ang unang nakararamdam ng krisis sa pagkain.

“Now, the rising price of crude oil would not just trigger but accelerate the increase of food costs worldwide. This would be felt first and foremost by those living in poverty,” ani Angara.

Ipinaliwanag ni Angara na ang patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina ay sanhi ng patuloy na kaguluhan sa mga bansang pinagkukunan ng langis at tiyak na apektado nito ang presyo ng pagkain.

“Looking at the numbers, I fear that emergency food security measures might not be enough to address future problems. The average Filipino family spends about half of its income on food alone—if this expense eats up any more of the household budget, Filipinos will have to scrimp on other basic necessities,” sabi ni Angara.

Iginiit ni Angara na dapat nang seryosohin ng gobyerno ang paggamit ng “renewable energy sources” at palakasin ang agrikutura upang hindi masyadong umasa sa pag-aangkat mula sa ibang bansa.

Dapat na rin aniyang makipagtulungan ang gobyerno sa pribadong sektor upang mapasigla ang agrikultura at paggamit ng alternatibong enerhiya. Vicky Cervales

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply