Kudos kay DFA Sec. Alberto del Rosario

NAGKAKA-problema ngayon ang mga kababayan nating Overseas  Filipino Workers sa Libya dahil sa nangyayaring kaguluhan doon.

Habang sinusulat natin ito, nananatili ang isinasagawang evacuation ng Department of Foreign Affairs sa mga ‘na-trap’ pang mga Pilipino sa oil-rich nation sa gitnang Silangan.

May kanya-kanyang kuwento ng masaklap na karanasan ang bawat OFW na dumarating sa Ninoy Aquino International Airport.

Pero ang mahalaga, nakabalik sila sa Pilipinas na buhay at nakatakas sa masamang banta ng nagkakagulong Libyans.

Ang ibang bansa na may mga mamamayang na-trap din sa Libya ay mabilis na kumilos kaya kaagad na nailigtas ang mga kababayan nila.

Kaya tuloy, hindi maiwasan na mainggit ang relatives ng mga na-trap na Pilipino.

Napakabagal, anila, ang gobyerno sa paglilikas sa mga nakulong na  OFW, ‘di gaya ng China o South Korea.
Ang China at South Korea kasi ay ilan lang sa maraming bansa na mabilis na umaksiyon para sagipin ang  mga kababayan nila sa gumugulong Libya.

Kung maraming OFWs na nagagalit sa kabagalan ng gobyerno sa pag-rescue, marami rin naman  ang natutuwa sa pamahalaan.

At ito’y dapat bigyang-halaga ng Pangulong Noynoy Aquino.

Marami ang napabilib sa ginawang pagsuong sa Libya ni Foreign Affairs Sec. Alberto del Rosario para personal na tulungan ang mga OFW.

Tila, ‘di inisip ni Sec. Del Rosario ang sariling kaligtasan mailigtas lang ang mga kababayan nating mga OFW palabas ng Libya.

Kumbaga, napasabak agad ang kalihim sa trabaho minuto lang matapos itong italaga bilang  DFA bosing ni P-Noy.
Sa nakikita natin, magiging epektibong cabinet member si Sec. Del Rosario.

Sobrang singil ng eskwelahan

Inirereklamo ng mga magulang ang umano’y ‘di makatwirang bayarin na sininsingil ng ilang guro sa mga estudyante sa isang eskuwelahan sa Padre Garcia, Batangas.

Nais nilang malaman sa may-ari ng Holy Trinity School sa Padre Garcia kung may basbas ito sa gawain ng mga guro.-Bong Padua

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply