Kumidnap sa sariling anak swak sa kulungan

KINULONG ang 23-anyos na technician kahapon, Marso 21, matapos arestuhin ng mga awtoridad nang ireklamo ng dating asawa makaraang kidnapin ang sariling anak bilang kapalit ng hinihinging resibo ng PhilHealth sa huli.

Kinilala ni Senior Supt. Wilson Jude Santos, hepe ng Caloocan Police, ang suspek na si Danilo Liwanag Jr., 23, may asawa, ng Purok 5, Pugad Hagonoy, Bulacan.

Nahaharap si Liwanag sa kasong kidnapping of a minor na paglabag sa Article 270 ng Revised Penal Code.

Sa isinagawang imbestigasyon ni PO2 Teresa Maliglig, may hawak ng kaso, dakong alas-onse ng umaga nang puntahan ng suspek at tangayin ang anak nitong si Queenie, 2, sa pinapasukan nitong Day Care Center sa Barangay 93, 11th St., Caloocan City.

Bago ang insidente, isang text message ang natanggap ng ina ni Queenie na si Ailleen Andres mula sa suspek.

“ndi q so2li anak to pag hindi q nakuha ngaun un, [ina] nyong lahat papatayin q kau, gani2 pala gus2 nyong laban ah, nsa akin ung bata, ngaun q mismo kailangan ung resibo ko; gusto mo pla magtaguan ah cge, pwes kaw naman ngayun maghahanap smin at ibigay ung kailangan ko,” ayon sa text message.

Subalit bago pa man nailayo ng suspek ang bata ay napansin ito ng mga taong bayan at mga barangay tanod sa nasabing lugar na pilit umanong isinasama si Queenie dahilan upang habulin at dakpin si Liwanag.

Nang malaman ng mga barangay tanod ang balak ng suspek sa bata ay inaresto at dinala agad ito ng mga pulis sa presinto kung saan no-bail ang kaso nito, ayon kay Jugde Darwin Cañete ng Caloocan Regional Trial Court. Roger Panizal

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply