Kumpara sa macho dancing ni Jan-Jan: Mas masagwa at bayolente di hamak ang ‘Going Bulilit’

KUNG KAMI SA IBANG ARTISTA, lalo na yung mga “la Ocean Deep” na (read; laos na), hindi kami makikisawsaw sa kasalukuyang isyu against Willie Revillame, na pakana ng ABS-CBN. Yung pagsasayaw ng inosenteng bata na si Jan-jan sa “Willing Willie” na binigyan ng malisya ng ibang naglinis-linisang mga hunghang.

Maraming natuwang televiewers at studio audience nung bumanat na ng “macho dancing” si Jan-jan. Enjoy lang at walang malisya. ‘Di hamak na masagwa at hindi pa child-friendly, entonces bayolente pa kung aanalisahin natin nang maigi yung mga eksenang ipinagagawa sa mga bata sa “Goin’ Bulilit” na kunwari ay mag-dyowa, mag-asawa, goons, at kung anu-ano pa. Hindi ito dapat tawaging children’s show.

Basurang palabas at nakaka-pollute ito hindi lamang sa murang isipan kundi sa isipan ng mga matatandang walang pinagkakatandaan.  Dito kayo mag-react mga hunghang kayo. Calling DSWD at Commission on Human Rights, at MTRCB!

Tantanan nyo na si Willie, tutal napalayas nyo na sa istasyon nyo—yung adhikain niyang makatulong sa mga mahihirap na hindi nagagawa ng ating pamahalaan ay huwag nyo nang pakialaman.

MGA NAKAKAINSULTONG PR LADIES NG HIGANTENG NETWORKS, BOW!

WALA KAMING NAKITANG liwanag ng kapayapaan sa launching ng isang direct selling company na isang sikat pa namang action star ang endorser.

Mistulang nainsulto pa ng mga pasosyal na mga PR ladies ng event na  yun ang ilang beteranong manunulat sa  givsung nilang token na isang  bed sheet na nabibili sa Divisoria at binuburdahan lang para masabing personalized (Hindi ba Tito Alfie L.?)  Yong bedsheet token ko bininta ko ng 3 hundred pesos sa comedy bar singer na si Arnell Tamayo ng Zirkoh restobar dahil ayaw bilhin ni Lito Alejandria ng 500, see? At complain pa ni Arnell na hindi siya bumibili ng ganung bedsheet dahil comforter daw ang ginagamit niya na ang palaman ay feathers ng bebe, ang taray! Bago ba ang nightmare tale of “re-tagging,” ha Direk Deo J. Fajardo, Jr.? 2011 na po, hindi na 80s o 90s.Calibrated na ang metro ng mga taxi ngayon at hindi na uso ang typewriter. Tanungin ‘nyo na lang si Madir Lily, noh? Mag move-on na kayo, please. Ernie Enrile

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply