Kumpirmadong patay sa Japan 10,000 na

KINUMPIRMA ng National Police Agency ng Japan ngayong Biyernes ng umaga na umabot na sa 10,035 ang namamatay sa kanilang bansa dahil sa magnitude 8.9 na lindol na sinundan ng tsunami noong Marso 11.

Ang bilang ng pinakamaraming patay ay natagpuan sa Miyagi, Iwate at Fukushima Prefectures, ang tatlong pinakanapinsala ng dalawang magkasunod na kalamidad.

Sa Miyagi 6,097 na ang kumpirmadong patay, 3,025 sa Iwate at 855 naman sa Fukushima.

Ang bilang ng kumpirmadong patay sa Fukushima ay mas mababa kaysa sa Iwate at Miyagi sapagkat natigil ang search operations doon dahil sa napinsalang Fukushima Daiichi nuclear power plant.

Malaki ang posibilidad na madadagdagan pa ang ang naturang bilang ng mga namatay dahil mayroon pang mamamayan ang hindi nagrereport ukol sa mga namatay o nawawala doon.

Sa ibang lugar, posibleng lahat ang pamilya ay inanod at tinangay ng tsunami pagkatapos ng lindol. Remate Online

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply