Kumpirmasyon nina Dinky, Purisima naunsiyami

MALAMANG nagkulang sa “karinyo” si Finance Secretary Cesar Purisima sa ilang miyembro ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) matapos pansamantalang isantabi ang kanyang kumpirmasyon nitong Miyerkoles, Marso 2.

Sa pagpapatuloy na pagdinig ng CA sa kumpirmasyon ng Gabinete ni Pangulong Benigno Aquino III, hindi rin naisalang ang kumpirmasyon ni Social Welfare and Development Sec. Dinky Soliman dahil ipinagpaliban ang petsa na gagawin dapat nitong Marso 2.

Base sa pagtatapos ng pagdinig ng Committee on Finance ng CA na pinamumunuan ni Sen. Ralph Recto, sinuspinde muna ang kumpirmasyon ni Purisima hangga’t hindi nareresolbahan ang reklamo ni Quezon Rep. Danilo Suarrez laban sa kalihim.

Sa kanyang liham kay Recto, sinabi ni Suarez na kanyang tinututulan ang kumpirmasyon ni Purisima dahil kinontra nito ang pagbabayad ng real property tax (RPT) ng Mirant Coal Fired Philippines na nakatayo sa Pagbilao, Quezon.

Ayon kay Suarez, umaabot na sa P23 bilyon ang utang ng Mirant sa RPT, na lubhang kailangan ng lalawigan upang magamit sa paghahatid ng pangunahing serbisyo at pagpapaunlad ng kanilang bayan.

Sinabi pa ni Suarez sa komite na hindi maaaring kumpirmahin ang ad-interim appointment ni Purisima dahil nilabag nito ang Local Government Code na nag-aatas na may karapatan ang lalawigan at munisipyo na maningil ng rpt b ilang host province at host municipality,” giit ni Suarez.

Gusto ni Suarez na pagbayarin ang pambansang gobyerno sa pamamagitan ng Department of Finance upang maresolbahan kaagad ang sigalot ng kanyang lalawigan sa paghihimutok na hindi pagbabayad ng buwis ng naturang kompanya. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply