Kumpiskadong iligal na troso ilalaan sa school furnitures

NAKIPAGKAISA ang Technical Education and Skills Development Authority (Tesda) sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Education (DepEd) at Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) sa pamamagitan ng Memorandum of Agreement (MOA) na gawing kapaki-pakinabang ang mga nakumpiskang torso sa bansa.

Layunin din nito na makapagbigay ng kabuhayan sa mga indibiduwal sa kilalang production sites sa pamamamgitan ng paggamit ng kahoy at by-products nito.

Ang proyekto ay tinawag na “PNoy Bayanihan: A Partnership for Education and Livelihood,” layunin ng proyekto na matugunan ang kakulangan ng silid-aralan, mga silya at iba pang muebles sa mga paaralan sa bansa.

Naniniwala ang 3 ahensiya ng pamahalaan na bukod sa pakinabang sa mga nakumpiskang mga torso, panahon na para paigtingin ng gobyerno ang kampanya laban sa illegal logging sa pamamagitan ng nasabing proyekto.

Sa ilalim ng kasunduan,  10 productions sites na may wood manufacturing facilities ang itatayo sa ilalim ng pamamahala ng TESDA.

“The agency will have links to registered forest plantations, including those government-backed forestry programs by upland communities, for their wood supply,” ayon sa TESDA.

Magpapalabas ang Pagcor P100-milyon para sa pagsasaayos (retrofitting) ng mga pasilidad ng Tesda at  DepEd o para sa pagtatayo ng production sites, kasama na ang mga paunang operating expenses sa proyekto.

Sa kasalukuyang  imbentaryo ng DENR, nasa 17,608 cubic meters (7.47 million board feet) na ang nakumpiskang mga torso na ido-donate  sa DepEd.

“Our intervention here is to provide training to wood makers who will turn these hot logs into useful furniture such as tables, chairs and cabinets for our public schools who badly need them,”  ayon kay Tesda Director General Joel Villanueva.

Nilinaw pa ni Villanueva na bagama’t iligal ang pagkakakuha ng nasabing mga troso, hindi aniya makapapayag ang gobyerno na masayang ito bagkus ay gawing kapakipakinabang sa mga mag-aaral.

Sa pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan at people’s organizations,  tutulong ang Tesda sa pagpili at recruitment ng  production workers  na sasanayin sa paggawa ng muebles  (furnitures) sa 10 production sites.

“It will provide technical and administrative assistance, apply competency standards, training methodologies, competency assessment instruments and other programs relevant for the successful implementation of the project,” dagdag pa ng Tesda Director-General.

Sasailalim sa partikular na pagsasanay ang prospektib na manggagawa sa furniture-making at bibigyan ng certificates sa ilalim ng specialized School Furniture Production Technology.

Bilang isa sa pangunahing ahensiya na nakatalaga sa pagmomonitor at paghahabol sa illegal loggers,  ibabalik  DENR ang mga nakumpiskang torso sa Tesda Production Sites.

Aatasan din ang iba pang ahensiya ng pamahalaan at institusyon na alamin ang  logistical requirements ng mga proyekto, kabilang ang Department of National Defense, na inatasan na sasagot sa transportasyon at escorts, dahil ang ilan sa mga troso at kahoy ay nakatambak sa mga lugar na may problema sa peace& order.

Bilang pangunahing benipisaryo ng  proyekto,  ang DepEd na ang bahalang magbigay ng disenyo, ispisipikasyon,  volume o bilang ng muebles,  at iba pang kakailanganin para sa paggawa ng school furnitures.  Ito na rin ang mamamahala sa pag-deliver ng furnitures sa mga nakatalagang paaralan.

Babayaran ng DepEd  ang bawat silya, mesa at iba pang muebles na gawa sa 10 production sites sa presyong pinagkasunduan ng Tesda, subali’t hindi ito tataas pa sa average purchase price ng ahensiya sa nakalipas na 2 taon.

Hihingiin din ng DepEd ang partisipasyon ng Parents-Teachers Community Associations upang matiyak na nai-deliver ang tamang bilang at kalidad ng  school furnitures.  Aayuda ang mga asosasyon sa DepEd sa pagbuo ng mga bahagi ng school furniture parts sa patnubay  Tesdatrainers at specialists.

Ang naturang MOA ay suportado ng Memorandum Order No. 162 na inisyu noong 1993 at pinagtibay noong 1995, na itinuturing ang  public school building bilang pangunahing benipisaryo sa paggamit ng mga nakumpiskang troso sa bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply