Kusinero sumalpok sa Starex tigok

HINIHINALANG inantok sa pagmamaneho ang isang kusinero matapos sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa nakaparadang Starex van kaninang madaling-araw sa Taguig City.

Naisugod pa sa Taguig City Hospital si Ruel Tulawe, 33, ng 16th St., ISU Village, naturang lungsod subalit hindi na umabot nang buhay sa naturang pagamutan sanhi ng mga tinamong grabeng pinsala sa ulo at ibang bahagic ng katawan.

Isinailalim naman sa imbestigasyon ng pulisya ang driver ng Starex van (XNT 782) na si Ivan Fojas, 37, ng 60 Aurora Quezon St., BF Homes, Parañaque City upang alamin kung may pananagutan sa trahedya.

Batay sa imbestigasyon ni PO1 Jerizaldo Gaosen ng Taguig Police Traffic Enforcement Unit, naganap ang insidente dakong 12:45 ng madaling-araw kanina habang tinatahak ng biktima ang southbound lane ng C-5 Road.

Nang makalagpas ang motorsiklong minamaneho ng biktima (1055-NU) sa Sampaguita  Bridge, hindi nito namalayan ang nakaparadang van na pinapalitan ang na-flat na gulong ni Fojas na sinalpok naman ng biktima. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply