Kuta ng Abu Sayyaf binomba

BINOMBA ng mga AFP helicopters ang isang maliit na isla kung saan namataan ang isang Abu Sayyaf Commander at kanyang mga tauhan na wanted ng Washington, madaling-araw ng Biyernes, Marso 11.

Nagpadala ng mga tauhan ang AFP sa isang mangrove area sa Sacol Island malapit sa lungsod ng Zamboanga matapos mamataan si Kahir Mundos, ang kanyang kanang kamay na si Puruji Indama at mga miyembro nitong tinatayang may 15, ayon kay Lt. Col. Randolph Cabangbang.

Dagdag pa ni Cabangbang, hindi niya batid kung nakuha o napatay na ang grupo ni Mundos matapos nilang salakayin ang lugar nitong madaling araw.
Hindi pinabatid ang operasyon kaninumang lokal na opisyal na nagbunsod kay Zamboanga City Mayor Celso Lobregat upang alamin ang pangyayari kay DND
Secretary Voltaire Gazmin.

Nabatid na naglaan ang US State Department ng pabuyang $500,000 sa sinumang makakahuli o makakapatay kay Mundos na hinihinalang pumatay sa mga US troops at mga sibilyan sa naturang lugar.
Si Kahir din umano ang nagsisilbing financier ng Abu Sayyaf. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply