Kuta ng mga rebelde nakubkob ni Gaddafi

KINUBKOB ng mga militar na sumusuporta kay Libyan Ruler Col Muammar Gadaffi ang bayan ng Brega na matagal ng hawak ng mga rebeldeng grupo.

Napilitang magsialis ng mga rebelde sa naturang lugar matapos bombahin sila ng walang humpay at tuluyang pasukan ng kampo ni Gadaffi.

Patuloy ang opensiba ng mga tauhan ni Col. Gadaffi sa mga dating teritoryo ng mga rebelde. Nauna ng nakuha nila Gadaffi ang Ras Lanuf, ang pinakamalaking pier kung saan kinukuha ang mga produktong gasolina.

Samantalang ang gobyerno ng France ay sinabi nitong bibilisan nila ang kanilang mga gagawin para mapadali nilang makumbinse ang iba pang mga bansa para maipatupad ang no-fly zone sa Libya.

Ayon naman sa Human Rights Watch, patuloy ang pang-aaresto ng mga awtoridad sa Tripoli at ang tuluyang pagkakawala o pagkakapatay ng mga ito. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply