Kuya kinatay ni bunso

PATAY ang 28-anyos na matansero matapos pagsasaksakin sa loob ng kanilang bahay ng kapatid na nakaalitan sa Tondo Manila, Miyerkules ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Angel Ricafort, matansero sa isang slaughter house sa Tondo at residente ng 1299-E Camarines st., Tondo, Manila.

Pinaghahanap naman ang suspek na kapatid ng biktima na si Antonio Ricafort, alias Bong, 24.

Sa report ni PO3 Mario Asilo, dakong 6:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa ikalawang palapag ng nasabing lugar.

Nauna rito, nabatid na nag-iinuman umano ang suspek at live-in partner nito nang magkaroon ng mainitang pagtatalo.

Nang mamagitan ang biktima ay minasama iyon ng lasing na suspek.

Dahil dito, pumunta ng kusina ang suspek at sinundan ang noon ay papasok na ng kwarto na kapatid saka inundayan ng saksak.

Nagawa pang maisugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktima pero namatay din habang nilalapatan ng lunas dakong 7:45 ng gabi.

Dinala sa Sanctuary Funeral Homes ang bangkay ng biktima. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply