Labanan ang katiwalian at pandarambong

PURSIGIDO ang gobyerno ni Pang. Noynoy Aquino na mabawi ang mga nakaw na yaman at ibalik sa kaban ng bayan. Ito’y matapos na himukin ni Exec. Sec. Paquito Ochoa ang Presidential Commission on Good Government na maging mapagpasya sa paghahanap at paghahabol sa mga kinulimbat na yaman nang sa gayon ay makamit ang pagkakaroon ng isang bansa na walang bahid ng katiwalian at pandarambong.

Sa ika-25 anibersaryo ng PCGG sinabi ni Ochoa na mariing nilalabanan ng Pangulo ang mga katiwalian at pandarambong at kailangang makibahagi ang PCGG sa pagpapanumbalik ng  integridad at katapatan sa lahat ng transaksyon sa gobyerno.

Ang PCGG ay itinayo noong 1986 na panahon ni Cory Aquino at pangunahing tungkulin nito ang pagbawi sa mga nakaw na yaman ng mga Marcos at kanilang alipores. Ani Ochoa, malapit nang magtapos sa loob ng dalawang taon ang tungkulin ng PCGG kaya dapat daw na masikhay ang komisyon nang sa gayon ay maging makabuluhan ang naging pag-iral nito.

Hindi rin dapat manghina ang komisyon sa paninindigan nito laban sa mga ninakaw na salapi. Nagbabala si Ochoa na matutukoy at matutukoy ang mga tiwali at mandarambong.

Barangay hall na sinalaula

Wow naman ang barangay hall ng Bgry. 248 Zone 22 ni Brgy. Capt. Reuben Beltran. Ipinauupa ito sa Lotto Outlet at hamburger house sa P15K a month. Saan kaya napupunta ang rentang ibinabayad? E wala naman daw nakikitang project ang mga kabarangay ni tserman. Nagtatanong lang kami Kap. Beltran. Pati kalsada ay ginawang karinderia ni Kag. Analyn Mallari gamit ang kubol ng bayan. Mayor Fred Lim, anong sey ninyo rito?

Anomang reklamo o puna  ay itext lang sa 0918927-4764,09266719269 o email juandesabog@yahoo. comJohnny Magalona

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply