Labi ni John Apacible sinalang na sa cremation

IPINASUNOG na ang labi ng actor na si John Apacible sa Angono, Rizal.

Dakong 1:40 kahapon nang dalhin ang labi ni Apacible sa cremation chamber ng Holy Gardens Cemetery.

Bago ang cremation, dinala muna ang labi nito sa Our Lady of Light Parish sa Cainta bago magtanghali para sa last blessings at bigyan na rin ng tiyansa ang kanyang mahal sa buhay at mga kaibigan na muli siyang masilayan  sa huling pagkakataon.

Bago isinalang sa apoy, niyakap ng long time on screen partner na si Ana Leah Javier ang labi ni Apacible.

Maalalang noong nakaraang Marso 22, binaril at napatay ang naturang  aktor ng kanyang sariling tiyuhin na si Armando Rustia nang magkainitan habang nag-iinuman.

Ilang araw ang lumipas, sumuko sa pulisya si Rustia at humingi ng paumanhin sa kanyang kapatid na nanay ni Apacible. Sinabi pa nitong hindi gustong patayin ang sariling pamangkin pero dahil sa sasaktan siya nito kaya niya ito binaril.

Ang kanyang huling television appearanceay sa teleserye sa ABS-CBN’s na “Minsan Lang Kita Iibigin” na ang kanyang ginampanan ay isang  commandant  at kasama niya rito si Coco Martin.  Robert C. Ticzon

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply