Labi ni Paquito Diaz, nasa Maynila na

DUMATING na sa Maynila ang labi ng yumaong character actor na si Paquito Diaz.

Nakalagak ang mga labi ni Paquito sa Funeraria Paz  a t ililibing   Huwebes ng umaga sa Manila Memorial Park.

Ayon kay Nena,  misis ni Paquito, dinala sa Maynila ang mga labi ni Paquito para mabigyan ng pagkakataon ang mga fans at iba pang kaibigan ng kanyang mister na masilayan ito sa huling pagkakataon.

“Iniimbitahan ko po kayong lahat kung gusto niyo po siyang makita sa mga huling sandali ay pumunta na lang ho kayo doon sa Maynila. Natutuwa kaming pamilya niya dahil marami rin ang dumalaw sa kanya dito sa Bicol,” ani Ginang Nena.

Dagdag pa ng naiwang maybahay ni Paquito, walang celebrities ang dumalaw sa burol nito sa Bicol. Umaasa ang maybahay ni Paquito na makadadalaw na  ang mga showbiz friends ng actor.

“Pero maganda ang naging pagtanggap sa kanya ng mga tao rito sa Bicol. Tuwing may dumadaan na jeep, tumitigil talaga sila. Kinukunan siya ng picture. Nagmistulang tourist spot ang bahay namin,” kuwento ni Ginang Nena.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply