Laborer utas sa bala ng sekyu

ISANG putok ng shotgun ang kumitil sa buhay ng 32-anyos na construction Worker nang barilin ng security guard matapos saksakin ng una ang kanilang foreman sa Pier 18, North Harbor, Tondo, Manila.

Kinilala ang biktima na si Danilo de Lumen, tubong Daraga Albay at stay-in worker sa Philippine Cold Storage Inc. sa Pier 18.

Kritikal naman sa Manila Doctors Hospital sanhi ng saksak sa tagiliran si Joey Llona, 37, ng Construction Development Incorporated at residente ng Brgy. Pagbay, Antipolo City.

Kusang loob namang sumuko sa Manila Police District- Raxabago Police Station 1 ang security Guard na si Alejandro Montes, 27, ng Domstar Security Agency na nakatalaga sa Construction Site sa Philippine Cold Storage Inc., sa Pier 18 at residente ng Brgy.649 Zone 68 Baseco Compound, Port Area,Manila.

Batay sa ulat ni Det Edgardo Ko na isinumite kay Sr.Insp. Armando Macaraeg, hepe ng MPD-Homicide Section, naganap ang insidente sa loob ng nasabing construction site sa nasabing lugar dakong 1:30 ng hapon, nitong Sabado.

Lumitaw sa report ng pulisya na nagkaroon umano ang mainitang pagtatalo sa pagitan ni de Lumen at ng nasabing foreman hinggil sa sahod hanggang sa nag- amok na si de Lumen.

Bitbit ang patalim ay inundayan ng saksak ni de Lumen si Llona pero mabilis na nakatakbong papalayo kaya isang saksak lang ang kanyang natamo.

Tinangka namang payapain ni Montes si de Lumen, para sumuko pero siya ang hinarap ng biktima para saksakin pero agad niyang nabaril agad nitong ikinamatay. Rene Crisostomo

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply