Lacson puwede nang magpakita

MAAARI nang lumutang si Sen . Panfilo Lacson makaraang ibasura ng Court of Appeals (CA) Special 6th Division ang motion for reconsideration (MR) ng Office of the Solicitor General na humihiling na baliktarin ang naunang desisyon ng CA kaugnay sa double murder case na kinakaharap nito sa pagpatay diumano kina PR man Bubby Dacer at driver na si Emmanuel Corbito.

Ayon sa 16-pahinang desisyon na sinulat ni Justice Ramon Bato Jr., pinawalang bisa rin nito ang arrest warrant na ipinalabas ng Manila Regional Trial Court laban kay Sen. Lacson.

Batay pa sa CA decision, maaaring may pananagutan sa batas ang sinumang aaresto sa nagtatagong mambabatas dahil ang ipinalabas na naunang kautusan ng Appellate Court ay immediately executory.

Nangangahulugan din na iligal ang utos na manhunt kay Lacson. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply